Friday, May 8, 2015

Lydia's Lechon atbp

Lydia's Lechon
at iba pa ...
Palagi kaming nagddrive thru sa BK na malapit sa bahay.
Yung nasa Marcos Hiway.  Napansin ko minsan na may
Lydia's Lechon sa tapat ng BK.  Dati ay hindi pa naka aircon
ang kanilang restawran, pero noong minsang napalingon
ang aking anak, nakita niya na may  aircon na sila.
Kaya noong isang linggo, imbis na magdrive thru sa BK,
sa Lydia's Lechon kami nagmerienda cena.

Umupo ako sa isa sa mga silya at naghintay na may lumapit
na waiter para humingi ng menu habang nagpark 
ang aking anak. Lumapit ang waiter pero walang menu.
 Ang sabi sa akin ay... "Ma'am, sa harapan po magorder."
Naka smile naman siya sa akin. ...
Ah ganoon ba? Yan ang sinabi ko.
Hahaha ... natawa ako sa sarili ko.
***
Iba't ibang uri ng ulam. Turoturo style.
Napaka-pinoy.  Para palang fastfood.
Parang gusto kong umorder ng lahat nito.
Pero, sabi ng anak ko ... Mom, pakakain mo 
lang lahat sa akin yan! Hahaha... OO nga naman.
Meron din silang mga inumin, pampalamig tulad 
ng buko pandan at sago't gulaman.
Mga panghimagas at Fresh Lumpia sa refrigerator.
Nagtitinda rin sila ng sarsa, seasoning at chicharon.
Lechon / Php 220
Karekare Solo / Php 135 (walang kanin na kasama)
Paksiw na Lechon Meal / Php 105 (may kasama na kanin)
Isang tasang Kanin / Php 30
Coke Zero / Php 42
Sprite / Php 42

Php 574 ang total ng binayaran namin.
***
Ito yung lechon na naka display at tinatadtad
ng isang Manong/Kuya.
Bakit kaya walng ulo?
Marahil ay may nakabili na ng isang
Lechon in Bilao. Kaya naman pala.
***
Masarap naman ang Lydia's Lechon.
Dapat ay isawsaw ang lechon sa sarsa  na
may kasamang seasoning. Naging
mas masarap at tama ang timpla.
Nagkaroon ng UMAMI modality ang lechon.

Bata pa ako, bumibili na si Nanay ng lechon 
na ito tuwing may handaan sa aming bahay.
Ang palagi niyang binibili ay yung may
Paella sa loob ng Lechon.




No comments:

Post a Comment