Thursday, February 13, 2014

Tatlong Kakanin

Nag-uwi ng tatlong klaseng kakanin si Hubby ngayong gabi.
Galing siya ng Tagaytay at ito ang kanyang pasalubong sa akin
ngayong bisperas ng Valentine's day.
How sweet ...  ng mga kakanin. 

Bite-size sapin-sapin na paborito ko. 
Pero itong kakanin na ito ay may lasang langka.
Kakaiba siya at mas masarap pa sa nakagawian.

Biko naman ang nasa gawing ibaba sa may kanan.
Di siya gaanong matamis at medyo kulang sa gata.
Marunong ako gumawa ng biko kaya hindi ko ito masyadong gusto.

Ang nasa may itaas sa bandang kanan ay napakasarap.
Lasang-lasa ang "mantekilya" / margarine or dari creme
at katamtaman lamang ang tamis.
Kaso, hindi ko alam ang tawag sa kakanin na ito.
Ito na ngayon ang bago kong paboritong kakanin..
***
Binigay din pala ni Hubby ito sa akin. 
Napangiti ako. :) 
Tapos ang sabi niya, "Giveaway yan kanina sa seminar."
Ano ang ginawa ko?  
Ibabato ko sana sa kanya, pero pabiro lamang.
Bigla siyang napaatras at umilag, 
tapos, nagtawanan kaming dalawa.
***
ha ha ha happy valentine's day everyone !!!
/ chicsanders 2014

4 comments:

  1. di kaya yan ay nilupak? napaka pino lang ng pagkakagawa at maraming dari cream?

    ReplyDelete
  2. hi debbie ... i don't know what nilupak is. i also don't know the english translation of kakanin and was lazy to find it. so i wrote this blog in filipino. / the kakanin was made by owen and sophie. it is a home business. they only placed their name and cellphone numbers on the labels.

    ReplyDelete
  3. there are several versions of nilupak, depending on where it's made....it's a mix of boiled grated cassava (some mash it), coconut, sugar and butter. some are really mashed so finely, others use a food processor. i once watched some people making nilupak by pounding on it in a big mortar and pestle (the one that they use in the provinces for rice?)...this was somewhere in San Mateo, Rizal....it was the finest and best tasting nilupak i have tasted. commercially made ones use a lot of margarine, parang hindi masarap and too salty na. in zamboanga where my mom comes from, they also add mashed boiled saba bananas to the mixture...

    ReplyDelete
  4. thanks debbie :) i'll ask ate nene to find nilupak for me!

    ReplyDelete