Sunday, March 8, 2015

XO46 Heritage Bistro, Estancia Mall, Capitol Commons

XO 46 Heritage Bistro
Estancia Mall, Capitol Commons
***
XO 46 Heritage Bistro ay bagong restawran sa 
isa sa pinakabagong pamilihan sa ciudad ng Pasig.
Maganda at moderno ang mga muebles, mesa
at silya sa XO 46.
Simple at kakaiba  ang mga ilaw o munting
aranya sa restawran. 
May libreng kornik na ihahain sa mga parokyano.
Meron ding Puto at mantekilya na ihahain.
***
Okoy ang paborito kong kainin kasama ng
mainit na kanin. Masarap itong suka na may sibuyas 
at paminta na sawsawan ng okoy.
Lechon sisig naman ang nais ng aking Anak.
Medyo may kaanghangan itong sisig na ito.
Umorder din ako ng lugaw ngunit ito ay hindi
na namin nakain. Pinabalot na lamang para sa Asawa.
Ginataang Bilobilo ang nappili kong panghimagas.
Nagbigay din sila ng dalawang pirasong
libreng chocnut ngunit ito ay hindi ko nakuhanan
ng litrato.
***
Ito ang listahan ng kanilang mgs panghimagas
at iba't ibang pangmerienda.
***
Nakakatuwa ang restawran na ito.
Ang mga tagasilbi ay naka-baro't saya.
Nagsasalita ng wikang Pilipino.
Mga nakangiti at parating bumabati.
Pagkatapos ilagay ang mga pagkain
sa mesa, sila ay magpapasalamat
at magsasabing sana ay magustuhan
ang inihaing pagkain.  Pagkatapos ay
magku-curtsy ang mga magagandang
binibini.

Maganda ang konsepto ng restawran na ito.
Abot-kaya naman ang mga presyo ng 
pagkain dito.  Maaliwalas ang lugar.
Mairerecomenda ito sa aking mga kaibigan.
Nais kong bumalik dito at dalahin ang
aking Asawa at mga kamag-anak.

Maraming Salamat!

No comments:

Post a Comment